Sambayanang Pilipino,
ngayon ay nahihilo.
Sa nagtataasang presyo,
tila wala nang mabibili
sa piso.
Mga nasa ilalim ng lipunan,
lalong nahihirapan.
Iniisip kung papaano sasabayan,
ang banta ng mas matinding kahirapan.
Si Juan na naman ang nagdurusa,
sa estado ng ating bansa.
Kailan nga ba matatamasa,
ang kahit kaunting ginhawa?
Bigas, gulay, at sili,
wala nang pinipili.
Kumakayod hindi lamang para sa sarili,
ngunit paano na kung magkulang muli?
Hanggang saan ba ang kakayanin
ng bulsang kinakain,
ng mga mahal na bilihin?
Dugo't pawis ng iba,
laging nababalewala,
habang ang mga nasa itaas,
patuloy lamang sa pagwaldas.
Nasaan ang pangako?
Lagi na lang bang napapako?
Ang buhay ni Juan, paano?
Comments