top of page
ABOUT THE BLOG

"Ang boses ng kabataan, patuloy na mananaig. Hindi susuko at patuloy na lalaban."

​

​

ISKOLIARIUM: Hango sa sikat na obra ni Juan Luna na "Spoliarium". Ipinapakita sa pamosong obra na ito ang madugong kasaysayan ng mga Romano na sumasalamin sa marahas na sinapit ng Pilipinas. Hindi lamang isang larawan, kundi ito rin ay isang tula na inilalathala ang pasakit na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.

​

At ngayon, sa mordenong panahon, nais ng mga manunulat na ipakita ang hirap at pasakit ng mga mamamayang Pilipino sa kasalukuyang administrasyon. Gagamitin ang pluma at ang social media upang maging boses ng mga mahihirap at naghihirap para sa bayang ito. Sisikaping imulat ang mga nabulag at iparinig sa mga nabingi. Ito ang boses namin. Ito ang boses ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

​

Isang malaking pasasalamat ang aming ipinapahatid sa mga taong tumulong upang mabuo ang "blog" na ito. Salamat dahil nabigyan kami ng pagkakataon upang ihayag namin ang aming mga opinyon. Hindi na muli mananahimik at hindi ma muli tatalikod sa reyalidad ng buhay.

​

At isang pasasalamat din ang aming ipinapahatid sa bawat bagong umaga na darating. Sa bawat araw na aming ilalagi sa mundong ito. Ang bawat araw ay mahalaga at sana gamitin natin ito sa tama. Lalaban ka hindi para sa iyong sarili kundi para sa bayan.

​

Ganito kami ngayon... Mga kabataang sabik sa pagbabago. Mga kabataan na lumalaban para ibagsak ang rehimeng unti-unting sumisira sa bansang Pilipinas. At bukas, sisikat muli ang araw. Matatapos ang madilim na yugto ng kasaysayan at mananaig ang tama at kabutihan.

​

​

 

 

Ang bawat pananaw at opinyon ng mga manunulat ay hindi sumasalamin sa imahe ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at ng College of Communication (COC).

 

All Rights Reserved 2018

​

​

​

​

​

ISKOLIARIUM

MGA MANUNULAT

  • White Facebook Icon
  • twitter

©2018 by Iskoliarium. Proudly created with Wix.com

bottom of page