Isang kanta sa bawat tulos ng kandila sa bawat biyernes ng gabi—ang nauupos na KATARUNGAN. Hango sa tula ni Rio Ejercito Monge.
Verse 1
Himbing tayo sa oras na ‘to
Yapos kita at gayundin ako
Payapa ang gabi, bilog ang buwan
Hindi na hihiling ng anupaman
Hanggang sa tayo ay gulantangin
Ng isang bulabog mula sa pinto
Sumilip sa butas at sinabi mo,
“Lahat sila ay armado”
Bridge
Sigaw nila ang pangalan mo
Kasama ng pangalan ko
Ako’y nilingon mo
Isang huling lingon
Magkahawak tayong binuksan ang pinto
Chorus
Pinadapa at inapakan
Ang malamig na bakal ay,
Nakariin sa uluhan
Nagtatanong ng 'di maintindihan
Pumipiglas at kumakalas
Na siyang dahilan ng limang putok
Ano na ba? Itigil na
Ipikit ang mata
Tumigil ang hiyaw
Verse 2
Sabik sa buhay ang mga demonyo
Walang patawad at sinasanto
Walang inosente, wala kang laban
Wala silang pakialam kung sino ka man
Hanggang tumagas ang mga dugo
O sa pagitan ng hita ko
Tumigil ang mundo, mata ay umitim
Ang buhay ko ay dumilim
Bridge
Sigaw nila ang pangalan mo
Kasama ng pangalan ko
Ako’y isama niyo
Isama niyo sa inyo
Hindi ko kayang mag-isa dito
Chorus Pinadapa at inapakan Ang malamig na bakal ay, Mas dumiin sa uluhan Nagtatanong ng 'di maintindihan Pumipiglas at kumakalas Na siyang dahilan ng limang putok Wala ka na, wala na siya Ipikit ang mata Ako ay susunod na
Comments