Sila ang mga bulag na biktima
Ang kanilang mga mata’y balot ng takot at kaba
Ang kanilang tenga’t mga bibig ay pilit na isinasara
Sila ang mga taong tila ba nawalan na ng pag-asa.
Sila’y may mga buhay ngunit tila ba nakahimlay
Nakakulong sa rehas ng buhay na tila ba salapi ang nagiging batayan
Sila ang madalas na naghihirap at nadadamay
Kailan ba sila lalaya sa tanikalang tila panghabambuhay.
Juan Dela Cruz kung siya’y tawagin,
Pagbabago ang kanya lamang hangarin.
Si Juan ay mayroong itinuturing na kaibigan,
Uncle Sam, kala ko ba kami ay iyong tutulungan?
Panahon na para buksan ang kanyang mga mata
Wag magpapadala sa kung ano man ang hindi nabibili ng pera
Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa kaunlaran
Ito lamang ay isang estado o pangalan na di dapat maging isang batayan.
Comments